Mga pumanaw dahil sa COVID-19, umabot na sa 5.99 milyon

AFP photo

Lagpas 5.99 milyon na ang bilang ng mga nasawing COVID-19 patient sa buong mundo.

Batay sa huling tala, umakyat na sa kabuuang 5,990,912 ang nasawi sa iba’t ibang bansa bunsod ng nakakahawang sakit.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang nasawi dahil sa COVID-19 ang Estados Unidos na may 978,607.

Sumunod na rito ang Brazil na may 650,052 na pumanaw bunsod ng pandemiya.

Nasa 514,419 naman ang death toll sa India habang 353,230 ang napaulat na nasawi sa Russia.

Narito naman ang naitalang COVID-19 death toll sa iba pang bansa at teritoryo:
– Mexico – 318,531
– Peru – 210,744
– United Kingdom – 161,704
– Italy – 155,214
– Indonesia – 149,036
– Colombia – 138,899
– France – 138,762
– Iran – 137,267
– Argentina – 126,390
– Germany – 123,976
– Poland – 111,864
– Ukraine – 105,505
– Spain – 100,037

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 440,093,621 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nasa 372,792,463 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Read more...