WATCH: Pacquiao sa COVID-19 weekly report ng DOH: “Bakit? Tinatamad na?”
“Bakit? Tinatamad na?”
Tanong ito ni PROMDI presidential bet at Senador Manny Pacquiao matapos magpasya ang Department of Health (DOH) na gawing lingguhan o weekly na lamang ang pagbibigay ng update sa COVID-19 sa bansa.
Ayon kay Pacquiao, dapat malaman ng taong bayan ang tunay na estado kung ilan na ang mga tinamaan ng naturang sakit.
Karapatan aniya ng mamamayan na malaman ang nangyayari sa bansa.
“Una anong dahilan bakit weekly kayo magbibigay ng information? Bakit? tinatamad na? Pangalawa, kailangan talaga everyday nagbibigay sila ng update sa taumbayan kung ilan ‘yung may COVID positive sino nag-positive sino ‘yung gumaling kailangan ma-update ang tao dahil karapatan ng mga tao na malaman ang lahat ng nangyayari sa ating bansa araw-araw,” pahayag ni Pacquiao.
Narito ang bahagi ng pahayag ni Pacquiao:
Malaking tulong, ayon kay Pacquiao, ang tamang impormasyon para mabigyan ng giya ang taong bayan.
“Iyong pagbibigay ng information and pag- uupdate sa tao araw-araw ay nakakatulong ‘yun para ang taumbayan ay mag-iingat para palagi mag-iingat sa isa’t isa na kailangan pa ring magsuot ng mask kailangan pa rin mag-ingat dahil nandyan pa rin ang COVID,” pahayag ni Pacquiao.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.