Duterte hindi na pupunta ng Vatican

By Kathleen Betina Aenlle May 17, 2016 - 02:49 AM

 

duterte2-0511-620x349 (1)Hindi na itutuloy ni presumptive president Rodrigo Duterte ang kaniyang unang plano na pumunta sa Vatican upang personal na humingi ng tawad kay Pope Francis nang murahin niya ito noon sa isang panayam.

Ayon kay Duterte, sapat na ang ipinadala niyang apology letter, na sinagot pa ng Vatican nang may kalakip na pangako ng pagdarasal para sa kaniya.

Ani Duterte, baka kapag pumunta siya doon, bawiin pa ng Vatican ang mga dasal para sa kaniya.

Katwiran niya, isang mataas na opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang nagsabi na hindi naman malinaw sa response letter ng Vatican kung napatawad na ba siya ni Pope.

Gayunman, naniniwala siyang kaibigan niya ang Panginoon at lagi siyang humihingi ng kapatawaran sa lahat ng mga kasalanang nagawa niya sa mundo.

Matatandaang minura ni Duterte si Pope Francis dahil sa sobrang inis nang danasin nila ang malalang traffic noong Papal visit.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.