WATCH: Hirit na advance copy ng format ng Comelec debate, tinawanan ni Manny Pacquiao

By Chona Yu March 02, 2022 - 05:25 PM

Photo credit: Sen. Manny Pacquiao/Facebook

Tinawanan lamang ni Promdi presidential candidate Senador Manny Pacquiao ang hirit ng kampo ni dating Senador Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na bigyan ng advance copy ng format ng debate.

Sa pangangampanya ni Pacquiao sa Pangasinan, sinabi nito na hindi siya pabor na bigyan ng paunang impormasyon ang mga kandidato.

“Mas maganda siguro hindi, dahil para makita natin iyong purity ng isang kandidato na tumatakbo ka ng Presidente eh dapat handa kang harapin iyong mga tanong na maaring ibabato sa iyo. Handa kang sagutin hindi iyong aalamin mo ang mga questions, mahirap yan,” pahayag ni Pacquiao.

“Maganda iyong hindi, kasi tumatakbo ka ng Presidente tapos hihingin mo ang mga tanong paano kung iba’t ibang tanong? Paano mo sagutin iyon. Kailangan ready ka sa mga tanong kasi tumatakbo ka ng Pangulo ng Pilipinas hindi ba? Dapat hindi ka mapili ng tanong kasi kaoag tumatakbo ka ng Pangulo ng Pilipinas, as much as possible lahat ng tanong pwede itatanong sayo dahil ikaw nag-aapply na maging leader ng bansa so kailangan open ka sa lahat ng mga tanong hindi ‘yung pipiliin mo ‘yung mga tanong,” pahayag ni Pacquiao.

Bahagi ng pahayag ni Pacquiao:

Mas maganda aniya ang on the spot na mga tanong.

“Siguro para hindi sila magkamali hindi sila magkakamali at pag-aralan nila ang mga sagot nila mas maganda kasi ang on the spot na itinanong mo na ganun para mabigla makikita mo ‘yung ah purity kung anong nilalaman ng kanilang puso kung tunay ba o hindi diba? Ganun ‘yung ano natin eh eh ako nga di nman nag ano ng mga advance question eh ready naman ako pero may mga ganun diba? Wala ng hingian surprise surprise, ” pahayag ni Pacquiao.

Narito ang pahayag ni Pacquiao:

Sinabi pa ni Pacquiao na sa debate pa lang takot na, paano pa kaya kung nanalo.

“Debate pa lang natatakot na paano pag nanalo kana eh natatakot baka magnakaw naman ng pera ng gobyerno di ba? Pero karapatan naman nila ‘yan na hindi mag-attend ng debate pero ang taumbayan kasi gusto nilang malaman yung plataporma mo ‘yung plano mo sa kanila plano mo sa taumbayan plano mo sa bansa para sa kinabukasan kasi at the end of the day kung ah failure ang administration niya tapos maghanap ka ng accomplishments sabihin niya bakit nangako ba ako sa inyo? Oh pwede niya saten ‘yun pwede niya sabihin sa taumbayan bakit nangako ba ako sa inyo kaya nga di ako nag-attend ng debate eh pwede niya sabihin na kaya nga di ako nag-attend ng debate eh kasi wala akong balal na gagawin ito gagawin ‘yan oh diba so pwede niya sabihin pagdating ng ah panahon ngayon kapag sa debate nangako ka ng pagbabago ‘di mo natupad, pwede mo balikan pwede mong ah isumbat sa isang Pangulo na pangako ka ng ganito tapos ‘di mo tinupad di ba at saka mahirap ang mangako tayo tapos ‘di mo tinutupad at ah naka-record pa naman lahat ng interview ngayon so kahit umabot pa ng 10 taon ‘yan ‘yung mga tao eh nanjan pa rin,” pahayag ni Pacquiao.

TAGS: #VotePH, 2022elections, 2022polls, comelec, ComelecDebate, InquirerNews, MannyPacquiao, OurVoteOurFuture, Pilipinas, RadyoInquirerNews, VotePH2022, #VotePH, 2022elections, 2022polls, comelec, ComelecDebate, InquirerNews, MannyPacquiao, OurVoteOurFuture, Pilipinas, RadyoInquirerNews, VotePH2022

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.