Base sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang 4:00, Miyerkules ng hapon (March 2), 866 ang bagong naitalang kaso ng nakahahawang sakit sa nakalipas na 24 oras.
Dahil dito, umakyat na sa 3,663,920 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 50,927 o 1.4 porsyento ang aktibong kaso.
474 rito ang asymptomatic o walang sintomas, 45,862 ang nakararanas ng mild symptoms, 2,776 ang moderate, 1,417 ang severe, habang 298 naman ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 53 naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 56,504 o 1.54 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 1,622 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 3,556,589 o 97.1 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.