Senate resolution, PAGCOR recommendation sa e-sabong suspension hinihintay ng Malakanyang
Ibinahagi ni vice presidential aspirant Vicente “Tito” Sotto III na nagkausap sila ni Executive Secretary Salvador Medialdea ukol sa pagsuspinde sa lisensiya ng online sabong operators.
Ayon kay Sotto, sinabi ni Medialdea na hinihintay na lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang resolusyon ng Senate Committee on Public Order na pinamumunuan ni Sen. Ronald dela Rosa.
Gayundin ang rekomendasyon ng Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR), na nagbigay ng permiso para sa operasyon ng online sabong sa bansa.
Dagdag pa ni Sotto, maaring sa Biyernes, March 4, ay nasa kamay na ni Pangulong Duterte ang resolusyon at rekomendasyon.
Una nang sinabi ni Sotto na pabor si Pangulong Duterte na suspindehin muna ang lisensiya ng online sabong operators hangga’t hindi nabibigyang-linaw ang pagkawala ng 31 sabungero.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.