Presyo ng langis, maari pang tumaas kung magpapatuloy ang gulo sa Russia at Ukraine – DOE

Tiniyak ng Department of Energy (DOE) na sapat ang suplay ng mga produktong petrolyo sa bansa sa gitna ng tumitinding tensyon sa pagitan ng Ukraine at Russia.

“We are not lacking in supply given that we source our crude oil requirements primarily from the Middle East, and finished products from Asia-Pacific,” pahayag ni Energy Secretary Alfonso Cusi sa virtual Kapihan sa Manila Bay Forum.

Ngunit, nagbabala ang kalihim na publiko na maaring tumaas pa ang presyo ng mga langis kung magpapatuloy ang gulo sa dalawang bansa.

“However, the impact of the Ukraine crisis on international oil markets does have a direct effect on our prices,” ani Cusi.

Kaya naman apela nito, “This is why we continue to appeal to everyone to observe energy efficiency and conservation measures during this critical period.”

Binibigyang-diin aniya ng sitwasyon sa Russia at Ukraine ang kahalagahan ng pagkakaroon ng energy security at independence sa isang bansa, tulad ng Pilipinas.

“Our country, as an importer of petroleum products, is again at the mercy of global price movements. We must work towards decreasing our dependence on others for our energy needs,” saad pa nito.

Read more...