Australian PM Morrison, naka-isolate matapos magpositibo sa COVID-19
Tinamaan ng COVID-19 si Australian Prime Minister Scott Morrison.
Aniya, nakararanas siya ng flu-like symptoms makaraang lumabas na positibo ang resulta ng kaniyang RT-PCR test.
Tiniyak naman ni Morrison na habang naka-isolate, patuloy pa rin niyang gagampanan ang tungkulin.
Hindi aniya titigil ang kaniyang pagtugon sa nararanasang pagbaha sa Queensland at New South Wales upang masiguro ang kaligtasan ng mga apektadong komunidad.
Tututukan din aniya niya ang ‘urgent response’ sa tumitinding tensyon sa pagitan ng Ukraine at Russia.
Samantala, negatibo naman sa nakahahawang sakit ang asawa at dalawang anak nito, ngunit naka-isolate rin bilang close contacts.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.