Pangunguna sa survey, inspirasyon para kay Legarda
Nagpahayag ng pasasalamat si House Deputy Speaker at Antique Rep. Loren Legarda sa tiwala ng mga botante sa kanyang serbisyo publiko.
Kasunod ito ng pangunguna ng three term senator sa “Tugon ng Masa” senatorial survey ng OCTA Research kung saan nakakuha ang mambabatas ng 66 porsyentong voting preference.
Sinabi ni Legarda na magsisilbi itong inspirasyon para lalo pa niyang pag-ibayuhin ang paglilingkod sa taumbayan.
Ipagpapatuloy aniya niya ang pagsusulong ng mga batas na lubos na makatutulong sa pagbangon ng mga Pilipinong nawalan ng trabaho dulot ng pandemya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.