P5.7-M halaga ng ilegal na droga, nai-turnover sa PDEA

By Angellic Jordan March 02, 2022 - 01:51 PM

Nai-turnover na ng Bureau of Customs – Port of Clark ang iba’t ibang ilegal na droga at marijuana-based products sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region III.

Tinatayang aabot sa P5,740,118.50 ang kabuuang halaga nito.

Kabilang sa mga ilegal na droga ang 3,215 piraso ng Ecstasy, dalawang 1000G glass container na may nakalagay na “raw organic honey” na may presensya ng marijuana.

Mayroon ding mga produkto na may CBD at marijuana content tulad ng vape cartridges, gummies, at hemp cream.

Nasamsam ang mga kontrabando sa magkakahiwalay na petsa dahil sa paglabag sa Sections 118 (g), 119 (d) and 1113 (f) ng Republic Act 10863 o Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) na may kinalaman sa Republic Act 9165 o Dangerous Drugs Act of 2002.

TAGS: BOC, IllegalDrugs, InquirerNews, RadyoInquirerNews, BOC, IllegalDrugs, InquirerNews, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.