Inumpisahan na ng lokal na pamahalaan ng Tacloban ang pagbuo ng isang iconic memorial park bilang pagbibigsy alaala sa mga biktima ng supertyphoon Yolanda.
Ayon kay Wilson Larios ng City Engineer Office o CTO, target na tapusin ang konstuksyon ng naturang memorial park sa loob ng dalawang buwan.
Ang proyekto aniya ay may lawak na 15-meters at matatagpuan sa Anibong District Tacloban kung saan sumasadsad ang isang malaking cargo vessel noong kasagsagan ng Yolanda.
Ang naturang sasakyang pandagat, na lumagpas pa sa kalsada, ay sumira sa mga bahay doon at ikinamatay din ng ilang mga residente.
Sinabi ni Larios na ang ‘front part’ ng cargo ship ang magiging main attraction ng memorial park.
Sa panig naman ni Ruby Balayanto ng City Tourism Staff, sa oras na matapos ang proyekto, inaasahan aniya na magiging tourist spot ito at magpapalakas muli sa turismo ng Tacloban.
Kinumpirma naman ni Balayanto na kakailangan pa ng city council na magpasa ng isang ordinansa para sa memorial park, lalo’t may mga residente umano ang umalma sa konstruksyon nito./ Isa Avendano-Umali
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.