Papatay sa e-sabong, buksan ang mga sabungan – Sen. Tolentino
Iminungkahi ni Senator Francis Tolentinona buksan na ang mga sabungan para matigil ang operasyon ng online sabong.
Ito ang sinabi ni Tolentino sa pagharap niya sa mga miyembro ng Vice Mayors’ League of the Philippines.
“I raise this issue, because if you will now allow the operations of your local cockpits, at hindi po tupada kundi po sabungan, it will do away with operations little by little of online sabong,” sabi ng senador.
Paliwanag ni Tolentino, dahil maraming lugar sa bansa ang nasa ilalim na ng Alert Level 1, maari nang humingi ang mga lokal na opisyal ng paglilinaw sa Inter-Agency Task Force (IATF) kung maari nang buksan ang mga sabungan.
Dagdag ng namumuno sa Senate Committee on Local Government, kapag nagbukas ang mga sabungan, kailangang tiyakin na istriktong maipapatupad at masusunod ang minimum health protocols.
Ayon pa kay Tolentino, ang sabong ay dapat ding gawin tuwing mga araw lamang ng Sabado at Linggo at may itatakdang oras.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.