Kaso ng COVID-19 sa mundo, sumampa na sa higit 438.39 milyon

Reuters photo

Pumalo na sa 438.39 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 438,396,328 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 80,697,924 cases.

Sumunod na rito ang India na may 42,938,164 na nagpositibo sa pandemiya.

Nasa 28,811,165 naman ang kaso sa Brazil habang 22,782,609 ang napaulat na kaso sa France

Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– United Kingdom – 18,886,701
– Russia – 16,495,369
– Germany – 14,974,713
– Turkey – 14,149,341
– Italy – 12,829,972
– Spain – 11,036,085

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 5,983,133 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.

Nasa 370,863,437 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Read more...