Gibo pag-iisipan pa ang alok ni Duterte sa DND

By Den Macaranas May 16, 2016 - 08:41 PM

Gibo
Inquirer file photo

Humingi pa ng dagdag na panahon si dating Defense Sec. Gilbert “Gibo” Teodoro para pag-isipan ang iniaalok sa kanyang pwesto sa gobyerno ni presumptive President Rodrigo Duterte.

Sa isang media interview sa Davao City, sinabi ni Teodoro na nagpunta siya sa Clubhouse ng Matina Enclaves para lamang batiin si Duterte at nabigla siya nang biglang i-alok sa kanya na bumalik sa kanyang dating posisyon sa DND.

Ayon kay Teodoro, kung babalik man siya sa pamahalaan ay kailangan muna niyang konsultahin ang kanyang buong pamilya.

Meron din daw siyang mga obligasyon na dapat pang ayusin sa kasalukuyan.

Si Teodoro ay naging DND Secretary noong 2007 hanggang 2009 at naging standard bearer ng administrasyong Arroyo noong 2010 presidential election.

TAGS: Davao City, DND, duterte, gibo, Davao City, DND, duterte, gibo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.