Ukraine, humingi ng tulong sa centralized cryptocurrency exchanges sa gitna ng giyera

By JC Cuadra/Contributor March 01, 2022 - 11:03 PM

Reuters photo

Nakiusap ang Ukrainian officials sa ilang Centralized Cryptocurrency Exchanges o CEX na i-freeze ang accounts ng kanilang Russian at Belarusian users.

Sa tweet ni Ukraine Minister for digital transformation Mykhailo Fedorov, hiniling nito sa mga CEX na hindi lamang dapat ang accounts ng Russian at Belarusian politicians ang i-freeze kundi pati ang mga mamamayan nito.

Aniya, maaring gamitin ito ng Russia upang takasan ang economic sanctions na ipinataw sa kanila dahil sa pagsisimula ng giyera laban sa Ukraine.

Walong centralized exchange na ang kinakausap ng Ministry of Digital Transformation para sa mga hakbang na ito, kabilang dito ang Coinbase, Binance, Huobi, KuCoin, Bybit, Gate.io, Whitebit at Kuna.

Sagot naman sa tagapagsalita ng pinakamalaking exchange website na Binance, “We are not going to unilaterally freeze millions of innocent users’ accounts. Crypto is meant to provide greater financial freedom for people across the globe. To unilaterally decide to ban people’s access to their crypto would fly in the face of the reason why crypto exists.”

Bukod sa freezing ng accounts, kasama sa hiniling ng Ukraine na ihinto muna ng mga CEX ang suporta para sa Russian ruble pairings.

Ilang araw lamang matapos magsimula ang giyera, umangat muli ang presyo ng cryptocurrencies sa araw ng Martes, March 1, 2022: Bitcoin (+13.87%), Ethereum (+11.08%), BNB, (+7.82), XRP (+6.81%), ADA (+9.48), SOL (+11.90%) at kasama pa ang ibang Altcoins.

TAGS: BUsiness, CentralizedCryptocurrencyExchanges, CEX, Crypto, InquirerNews, RadyoInquirerNews, Russia, Ukraine, BUsiness, CentralizedCryptocurrencyExchanges, CEX, Crypto, InquirerNews, RadyoInquirerNews, Russia, Ukraine

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.