Easterlies, nakakaapekto sa Silangang bahagi ng bansa
Walang binabantayang low pressure area (LPA) sa loob at labas ng bansa.
Dahil dito, sinabi ni PAGASA Weather Specialist Obet Badrina na maliit ang tsansa na magkaroon ng bagyo sa bansa sa mga susunod na araw.
Sa ngayon, umiiral ang Easterlies o ang hanging nagmumula sa Pacific Ocean sa Silangang bahagi ng bansa.
Bunsod nito, malaki ang posibilidad na makaranas ng pulo-pulong pag-ulan, pagkidlat at pagkulog sa parte ng Bicol region, Eastern Visayas, Davao region, at Caraga.
Asahan naman aniya ang maaliwalas na panahon sa nalalabing bahagi ng bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.