Nilinaw ng kampo ni Quezon Councilor Arkie Yulde na hindi ito dapat nakulong ng limang buwan dahil wala itong nagawang kasalanan o nilabag na batas.
Ayon sa abogado ni Yulde na si Atty. Freddie Villamor, nakalaya si Yulde nang ma-dismiss ang tatlong kasong isinampa sa konsehal.
“Hindi ko alam kung papaano ko makakamit ang katarungan. Ako po ay kumapit na lamang sa panalangin sa Diyos na sana po igiya niya ko papunta po sa kalayaan at makamtan ang hustisya,” pagbabahagi ni Yulde noong Martes.
Sinabi rin ni Yulde na hindi nito matatawaran ang ginawang paninira sa kanilang pamilya.
“Ang kinamatay po ng tatay ko ay atake sa puso habang nag-iisip kung papaano po kami makakabuwelta sa paninira pong ginawa sa akin, sa pangalan po ng aking pamilya,” sinabi pa ni Yulde.
Si Yulde, na isang kritiko ng isang politiko sa Quezon, ay ipinadala sa kulungan batay sa isang kaso ng panggagahasa at kidnapping na ginawa ng grupo ni Aquino na dati rin nilang sinisiraan ang kanyang pangalan at reputasyon sa media, na naging sanhi ng biglaang pagkamatay ng kanyang mga magulang.
Kamakailan lamang ay pinalaya si Yulde matapos makapagpakita ng ebidensya si Villamor na peke rin ang mga kaso laban sa kanya, kasama na ang umano’y biktima ng panggagahasa.
Binanggit ni Yulde na tagapaglingkod sa bayan ang kanyang mga kamag-anak.
“Sa akin po bilang konsehal ng bayan, ito po ang dinanas ko dahil lamang po sa paghahanap ng katotohanan, paghahanap po ng katarungan at paghahanap po ng malinis na pamahalaan dito sa ating bayan,” kwento pa ng opisyal.
Samantala, iginiit naman ng Pangulo ng National Press Club (NPC) na si Paul Gutierrez na ang The Manila Times Pangasinan correspondent na si Jaime Aquino ang nasa likod ng pagpapakulong kay Yulde.
Agad namang pinatalsik si Aquino bilang miyembro ng NPC.
“We don’t know what is worse—media groups inventing journalists as victims of violence so they can get funding from abroad or, members of the press concocting bogus charges against prominent personalities in exchange for money,” aniya ni Gutierrez.
“We are now announcing the expulsion of Mr. Jaime Aquino from the roster of NPC members without any possibility of reinstatement,” dagdag pa niya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.