Pagtawag ni Pangulong Duterte ng special meeting ukol sa Ukraine crisis, tamang hakbang – Lacson

By Jan Escosio March 01, 2022 - 03:26 PM

Reuters photo

Pinuri ni Partido Reporma presidential aspirant Panfilo Lacson ang pagtawag ni Pangulong Rodrigo Duterte ng ‘special meeting’ para matalakay nang husto ang sitwasyon sa Ukraine.

Tamang hakbang, ayon kay Lacson, ang ginawang pagpapatawag ni Pangulong Duterte ng pulong kasama ang mga opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at grupo ng mga negosyante.

Sabi pa nito na maling isipin na malayo sa Pilipinas ang giyera ng Ukraine at Russia dahil mararamdaman ang epekto nito ng bansa.

Partikular niyang binanggit ang pagtaas pa ng presyo ng langis, gayundin ng arina na ginagamit naman sa paggawa ng mga tinapay.

Maari din aniyang makaapekto ang sigalot ng dalawang bansa sa foreign debt ng Pilipinas dahil maaring tumaas din ang interes ng utang panglabas ng bansa.

TAGS: InquirerNews, PingLacson, RadyoInquirerNews, Russia, Ukraine, InquirerNews, PingLacson, RadyoInquirerNews, Russia, Ukraine

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.