WATCH: Sen. Lacson: Hirit na P5 fare hike, dapat pag-aralang mabuti

By Jan Escosio March 01, 2022 - 03:22 PM

Sinabi ni Partido Reporma presidential aspirant Panfilo “Ping” Lacson na kailangang pag-aralang mabuti ang hinihinging P5 na taas-pasahe bunsod nang tumatataas na halaga ng krudo.

Aniya, kailangang balansehin ang pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo at ang pagtaas ng pasahe.

Paliwanag ni Lacson, may epekto sa mga ordinaryong mamamayan ang pagtaas ng pasahe, kasama na ang mga driver ng mga pampublikong sasakyan.

Aniya, sa pagtaas ng pasahe, maaring tumaas ang presyo ng mga bilihin at serbisyo, at kasama sa mga konsyumer ay ang public transport drivers.

“Parang okay lang lumaki ang kita pero hahabulin din sa gastos sa mga gamit at pagkain natin araw-araw. Ngayon kung talagang agrabyado na kailangan pag-aralan kung itataas ba at ilang ang pagtaas,” diin pa ni Lacson.

Narito ang bahagi ng pahayag ni Lacson:

TAGS: FareHike, InquirerNews, OilPriceHike, PingLacson, RadyoInquirerNews, FareHike, InquirerNews, OilPriceHike, PingLacson, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.