Smartmatic officials pinagbawalang lumabas ng bansa

By Erwin Aguilon May 16, 2016 - 05:07 PM

comelec bldg
Inquirer file photo

Hiniling  ni Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon sa poll body en banc na pagbawalang makalabas ng bansa ang mga opisyal at tauhan ng Smartmatic.

Base sa isang memorandum ni Guanzon, hiniling nito kay Comelec Commissioner Christian Robert Lim, project director ng 2016 National and Local Elections na magpalabas ng memorandum sa Smartmatic Philippines upang pagbawalang makaalis ng Pilipinas ang mga opisyal at mga tauhan nito.

Sinabi Guanzon sa kanyang liham na ito ay hangga’t hindi pa natatapos ang isinasagawang imbestigasyon kaugnay sa pagpapalit ng hash code sa transparency server ng Comelec sa Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) Center sa Maynila.

Dahil anya sa interes ng publiko at urgency ang nakataya rito hinikayat ni Guanzon ang en banc na umaksyon ukol sa kanyang nilagdaang memorandum.

Nauna nang sinabon ni Guanzon ang opisyal ng Smartmatic Philippines na si Marlon Garcia dahil sa ginawang configuration sa hash code ng naturang transparency server.

TAGS: comelec, Guanzon, hash code, smartmatic, comelec, Guanzon, hash code, smartmatic

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.