Pangulong Duterte, magpapatawag ng special meeting para talakayin ang tensyon sa Ukraine at Russia
Magpapatawag ng special meeting si Pangulong Rodrigo Duterte kasama ang mga pulis at militar sa araw ng Martes, March 1.
Ito ay para talakayin ang nagaganap na tensyon sa pagitan ng Russia at Ukraine.
Ayon sa Pangulo, kasama rin sa pulong ang mga negosyante.
Mahalaga, ayon sa Pangulo, na malaman ng lahat ang nangyayari sa Ukraine at Russia.
Itinalaga ng Pangulo si Cabinet Secretary at acting presidential spokesman Karlo Nograles bilang tagapagsalita sa naturang isyu.
Ayon sa Pangulo, bukas din ang pagpupulong sa ibang miyembro ng Gabinete.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.