Mga baril na kumpiskado sa gun ban aalamin kung nagamit sa krimen

guns1
Inquirer file photo

Mahigit sa tatlong libong piraso ng iba’t ibang uri ng mga baril na nasabat sa kainitan ng COMELEC gun ban ang isinasailalim ngayon ng PNP Crime Laboratory sa ballistics examination.

Alinsunod na rin ito sa polisiya ng pagsasagawa ng mandatory ballistics examination na itinatakda sa ilalim ng 2013 Revised Police Operational Procedures.

Paliwanag ni PNP Spokesman C/Supt. Wilben Mayor, layunin ng mandatory ballistic exam na matukoy kung ang mga nasamsam na armas sa mga checkpoint operations ay nagamit sa krimen.

Maliban dito, ani Mayor, subject din ng capturing and cross-matching ang cartridge at mga kumpiskadong bala na umaabot na sa 37,428, bukod pa sa 281 granada at 313 na mga explosive device.

Ang ipinatutupad na gun ban ay tatagal nang hanggang sa June 8 ng kasalukuyang taon.

Read more...