Sen. Bong Go: COVID 19 vaccination rollout may ihihirit pa

By Jan Escosio March 01, 2022 - 07:03 AM

Naniniwala si Senator Christopher Go na magagawa pa ng gobyerno na mapaigting ang ikinakasang Vaccination Rollout Program.

 

Suhestiyon ni Go, palawakin pa ang mobile at house-to-house vaccination, ang bakunahan sa mga botika at klinika, maging ang information campaign sa kahalagahan ng booster shot.

 

“Para maisagawa ito, hihilingin ko sa national government na palawakin pa ang pagbabakuna sa mga pharmacies and medical clinics. Dapat ding magtalaga ng vaccination sites at araw ng pagbabakuna para sa boosters shots,” aniya.

 

 

 

Dagdag pa ng namumuno sa Senate Committee on Health dapat ay mabakunahan na ang mga manggagawa at kabataan ngayon maraming negosyo na ang nagbubukas at dahan-dahan na rin nagbubukas ang mga eskuwelahan.

 

“Ngayong unti-unti na tayong nagbubukas ng ekonomiya, dapat na mas maraming manggagawa ang mabakunahan para ligtas sila sa pagbabalik-trabaho, gayundin ang mga estudyante para mas maraming paaralan ang makapagdaos ng face-to-face classes,” dagdag pa ni Go.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.