Russian invasion, ‘eye-opener’ – Ong

By Angellic Jordan February 28, 2022 - 06:20 PM

Kuha ni Richard Garcia

Inihayag ni AP Partylist nominee Ronnie Ong na dapat sumali ang Pilipinas sa pagkakaisa ng mundo upang hikayatin ang Russia na ihinto ang giyera sa Ukraine.

Sinabi ni Ong na dapat pantayan ng United Nations ang kanilang mga salita ng pagkilos sa pamamagitan ng multinational support sa Ukrainians.

“Nakakabahala itong nangyayari sa Ukraine hindi lamang dahil malaki ang epekto nito sa pangkalahatang ekonomiya ng mundo kundi dahil maaari itong magbigay ng lakas ng loob sa ibang mga makapangyarihang bansa na gumawa ng kahalintulad na aksyon laban sa mga mahihinang bansa gaya ng Pilipinas,” ani Ong.

Dagdag nito, “Kailangang makiisa ang Pilipinas hindi lamang sa panalangin kundi maging sa panawagan at konkretong aksyon para lisanin ng Russia ang Ukraine.”

Sa kabiguan ng UN at powerful security alliances tulad ng NATO na mahinto ang Russian invasion, nagpapakita aniya ito ng malupit at nakababahalang paalala na ang maliliit na bansa, tulad ng Pilipinas, ay maaring lusubin ng mga makapangyarihang bansa.

“The UN and the NATO should walk the talk and show Russia that it cannot just invade another nation. Ang tila kawalan ng aksyon para mapigilan ang invasion ng Russia ay maaring bigyan ng kahulugan na wala naman palang magagawa ang mga ito kapag ang sangkot ay isang superpower,” sabi ni Ong.

Aniya pa, “I’m sure maraming bansa ang nakahandang tumulong para lumakas ang pwersa ng UN kapag kailangan nitong makialam upang maibalik ang kapayapaan sa Ukraine.”

Isinaad din nito na ang Pilipinas ay nahaharap sa kahalintulad na sitwasyon ng Ukraine dahil sa territorial dispute sa China.

Nagsisilbi aniyang ‘eye-opener’ kung paano tinutugunan ng UN at NATO ang kalagayan ng Ukraine.

“Itong pangyayari sa Ukraine ay isang eye-opener dahil ipinapakita nito na di tayo maaaring umasa sa ibang bansa at sa mga alyansa. Kailangang tayo mismo ang gumawa ng mga hakbang upang tuloy-tuloy ang kapayapan,” pahayag nito.

TAGS: APPartylist, InquirerNews, RadyoInquirerNews, RonnieOng, Russia, RussianInvasion, Ukraine, APPartylist, InquirerNews, RadyoInquirerNews, RonnieOng, Russia, RussianInvasion, Ukraine

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.