Rose Nono Lin kinasuhan ng pandarambong sa Ombudsman sa Pharmally issue
By Chona Yu February 28, 2022 - 05:59 PM
Sinampahan ng kasong pandarambong sa Office of the Ombudsman ng Samahan ng Progresibong Kabataan (SPARK) ang mga negosyanteng sina Michael Yang at Rose Nono Lin kumakandidatong Congresswoman ng QC 5th district , at iba pang opisyal ng Pharmally gayundin si PS- DBM Chief Christopher Lloyd Lao kaugnay ng umanoy sabwatan sa pagbili ng mga medical supplies ng gobyerno kontra Covid 19 mula nang maganap ang pandemya sa bansa.
Sa reklamong naisampa sa Ombudsman ni John Lazaro ng SPARK kailangang mapagpanagot ng batas ang mga nabanggit dahil bilyong piso ang nalustay sa Pharmally contract habang nagugutom at walang trabaho ang mas maramng mamamayan sa panahon na sumiklab ang COVID-19 pandemic.
Sinabi ni Lazaro, sapat na napakita ng Blue Ribbon Committee ng Senado sa kanilang imbestigasyon, sa mga testimonya, mga nagkokontrahang pahayag ng mga opisyal at mga malawak na nalakap na ebidensya mula na rin sa mga iba pang sangay ng gobyerno na merong sabwatang naganap sa naturang isyu.
Kinuwestyon ng grupo kung bakit naibigay ang kontrata sa isang bagong korporasyon na walang track record o lumalabas na “middle man” lang sa P8 bilyon kontrata nna nakuha ng Pharmally, ang kumpanyang wala umanong financial capacity na makuha ang kotrata sa gobyero.
Kinondena din ng grupo ang patuloy na pagtatago at pag iwas ng mga akusado na maimbestigahan sa Senado .
Ikinagalit ng grupo ang paggamit ng mga akusado sa korte at ospital gaya ni Rose Nono Lin na nagsabing magpapa opera nang maglabas ang Senado ng warrant of arrest laban sa kanya dahil sa makailang beses na pag isnab nito sa patawag ng Senado para maimbestigahan sa naganap na iregularidad.
Sa kasong ito, nasa kulungan ang mga sabit din sa kaso na sina Linconn Ong at Mohit Dargani dahil sa pagtangkang pagtakas kaugnay ng kaso.
Inerekomenda ng Spark sa Ombudsman na dalhin na sa Sandiganbayan ang kaso at sampahan doon ng plunder ang naturang mga persnalidad dahil lampas sa P50 milyon ang nakuhang kontrata kaugnay ng sinasabing anomalya ng Pharmally.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.