Ping, Tito ihihirit ang mas mahabang oras sa Comelec debate

Photo credit: Sen. Ping Lacson/Facebook

Kapwa nakukulangan ang tambalang Ping Lacson – Tito Sotto sa oras na inilalaan sa mga ikinakasang debate ng mga kandidato.

Ayon kay Lacson, masyadong maigsi ang isa’t kalahating minuto para maipaliwanag nila ang kanilang mga sagot at sa paglalatag ng posisyon sa mga napapanahong isyu.

Ibinahagi pa nito na may mga isyu siya na napaghandaan nang husto ngunit hindi naitanong sa huling forum na inorganisa ng isang media network.

“Ako over-prepared. Ako actually ang daming hindi naitanong na pinaghandaan ko, water crisis, power crisis, ang dami kong pinaghandaan unfortunately hindi naman natanong,” sabi pa nito.

May suhestiyon naman si Sotto at ito ay hatiin ng Commission on Elections (Comelec) sa dalawang grupo ang mga kandidato para mas maipaliwanag nila ang kani-kanilng posisyon.

“Sapagkat ang pinag-uusapan sa debates na ‘yun, gusto rin malaman ang mga plataporma at programa, siguro ang debate mangyayari kung meron kang kontra sa plataporma ng isa,” aniya.

Read more...