Sec. Abad dedma sa naka-ambang mga kaso laban sa kanila

By Alvin Barcelona May 16, 2016 - 04:58 PM

aquino-abad
Inquirer file photo

Binalewala ni Budget Sec. Butch Abad ang panibagong kaso na balak isampa sa kanya at kay Pangulong Noynoy Aquino pagkababa nila sa puwesto.

Reaksyon ito ni Abad sa pahayag ng Makabayan block sa Kongreso na hinihintay na lamang nila na matapos ang termino nila ng Pangulo bago sampahan muli ng mga kaso.

Pero ayon kay Abad, marami na silang kinakaharap na mga kaso at hindi sila nababahala kung madagdagan man ito ng isa pa.

Gustong idiin ng grupo ni Bayan Muna Rep. Carlos Zarate sina Pangulong Aquino at Abad  sa Disbursement Accelaration Program o DAP na ang ilang probisyon ay hindi naaayon sa Saligang Batas ayon sa Korte Suprema.

Muling pinanindigan ng Kalihim na wala silang ginawang pagkakamali sa kanilang pamumuno sa pamahalaan.

TAGS: ABAD, Aquino, makabayan, ABAD, Aquino, makabayan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.