Base sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang 4:00, Lunes ng hapon (February 28), 951 ang bagong naitalang kaso ng nakahahawang sakit sa nakalipas na 24 oras.
Dahil dito, umakyat na sa 3,661,997 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 52,179 o 1.4 porsyento ang aktibong kaso.
528 rito ang asymptomatic o walang sintomas, 47,157 ang nakararanas ng mild symptoms, 2,779 ang moderate, 1,417 ang severe, habang 298 naman ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 50 naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 56,451 o 1.54 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 1,717 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 3,553,367 o 97.0 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.