WATCH: E-sabong, pinasususpinde na ni Pangulong Duterte

Photo credit: Senate Pres. Vicente “Tito” Sotto III/Facebook

Inanunsiyo ni vice presidential aspirant Vicente “Tito” Sotto III na pabor si Pangulong Rodrigo Duterte na masuspinde ang e-sabong o online sabong bunsod nang pagkawala ng 31 sabungero.

Ginawa ni Sotto ang anunsiyo sa Town Hall Meeting nila ni Partido Reporma presidential candidate Panfilo “Ping” Lacson sa Lucena City.

Ayon pa kay Sotto, si Sen. Ronald dela Rosa ang nagsabi sa kanya na ipasususpinde ni Pangulong Duterte ang lisensiya ng online sabong operators.

Nagkausap aniya ang Punong Ehekutibo at si dela Rosa, Linggo ng gabi (February 27).

Unang nagsagawa ng pagdinig ang Commiitee on Public Order na pinamumunuan ni dela Rosa ukol sa pagkawala ng mga sabungero.

Sa pagdinig, hiniling ni Sotto na magpalabas ng resolusyon ang komite para sa suspensyon ng lisensiya ng online sabong operators.

Kaugnay pa nito, ibinahagi ni Sotto na sa pakikipag-usap nila sa Philippine National Police (PNP), posible na higit pa sa 31 ang nawawalang sabungero.

Narito ang bahagi ng pahayag ni Sotto:

Read more...