BBM, nanguna sa presidential survey ng OCTA Research

By Angellic Jordan February 28, 2022 - 02:30 PM

Photo credit: Dr. Guido David/Twitter

Nanguna si dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa presidential survey ng OCTA Research.

Sa inilabas na “Tugon ng Masa survey results” ni OCTA Research fellow Dr. Guido David, 55 porsyento sa 1,200 respondents ang bumoto kay Marcos.

Pangalawa si Vice President Leni Robredo na nakakuha ng 15 porsyento.

Sumunod naman sina Manila Mayor Isko Moreno na may 11 porsyento, Sen. Manny Pacquiao na may 10 porsyento, at Sen. Panfilo Lacson na nakakuha ng tatlong porsyento.

Lumabas din sa survey na limang porsyento ang hindi pa alam ang pipiliin at isang porsyento ang tumangging bumoto.

Isinagawa ang naturang survey ng independent analytics group noong February 12 hanggang 17, 2022.

TAGS: #VotePH, 2022elections, 2022polls, BBM, InquirerNews, OCTAResearch, OurVoteOurFuture, Pilipinas, RadyoInquirerNews, VotePH2022, #VotePH, 2022elections, 2022polls, BBM, InquirerNews, OCTAResearch, OurVoteOurFuture, Pilipinas, RadyoInquirerNews, VotePH2022

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.