Presyo ng diesel, gasolina muling tataas

Radyo Inquirer On-Line photo

Abiso sa mga motorista.

Sa pagpasok ng buwan ng Marso, magpapatupad muli ng oil price increase sa mga produktong petrolyo.

Bunsod pa rin ito ng paggalaw ng presyo sa international market.

Batay sa anunsiyo ng Caltex, Cleanfuel, Jetti, Petro Gazz, Seaoil, at Shell, may dagdag na P0.80 sa kada litro ng diesel habang P0.90 naman ang patong sa kada litro ng gasolina.

Magkakaroon din ng taas-presyo na P0.75 sa bawat litro ng kerosene ng Caltex, Seaoil, at Shell.

Mauunang ipatupad ang oil price increase sa Caltex bandang 12:01, Martes ng madaling-araw (March 1).

Magiging epektibo naman ang oil price adjustment ng Jetti, Petro Gazz, Shell, at Seaoil bandang 6:00, Martes ng umaga.

Samantala, dakong 4:01, Martes ng hapon magsisimulang mabago ang presyo ng mga produktong petrolyo ng Cleanfuel.

Asahang mag-aanunsiyo na rin ang iba pang oil companies ng kanilang oil price adjustment.

Read more...