Legarda, nanguna sa OCTA Research senatorial survey

By Angellic Jordan February 28, 2022 - 10:56 AM

Photo credit: Dr. Guido David/Twitter

Nanguna si House Deputy Speaker at Antique Rep. Loren Legarda sa senatorial preferences survey ng OCTA Research.

Sa 1,200 respondents, nakakuha ang three-term senator ng 66 porsyentong boto.

Nanguna rin si Legarda sa 100 porsyentong awareness sa mga botante.

Pumangalawa naman sa naturang survey si broadcaster na si Raffy Tulfo (63 porsyento) at sumunod si Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano (61 porsyento).

Nagpasalamat naman si Legarda sa tiwala, pagmamahal at pagbibigay ng kumpiyansa sa kaniyang serbisyo publiko sa nakalipas na tatlong dekada.

Nangako ang mambabatas na mas pag-iibayuhin pa ang pagseserbisyo at pagsusulong ng mga batas na makatutulong sa pagbangon ng mga Filipinong nawalan ng trabaho at lubhang naapektuhan ng krisis dulot ng COVID-19 pandemic.

Isinagawa ang naturang survey noong February 13 hanggang 17.

TAGS: #VotePH, 2022elections, 2022polls, InquirerNews, LorenLegarda, OCTAResearch, OurVoteOurFuture, Pilipinas, RadyoInquirerNews, VotePH2022, #VotePH, 2022elections, 2022polls, InquirerNews, LorenLegarda, OCTAResearch, OurVoteOurFuture, Pilipinas, RadyoInquirerNews, VotePH2022

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.