Gilas Pilipinas kinapos sa New Zealand Tall Blacks, 88 – 63

Hindi naging sapat ang pagpupursige ng Gilas Pilipinas na talunin din ang bisitang New Zealand  Tall Blacks sa kanilang paghaharap sa FIBA World Cup Asian Qualifiers sa Smart Araneta Coliseum.

 

Tinalo ang mga pambansang basketbolista ng mga bisita, 88 – 63.

 

Lumayo na ng husto sa ikatlong yugto ang Tall Blacks nang maiposte nila ang 22 puntos kalamangan.

 

Nabuhayan pa ng loob ang Gilas sa magkasunod na apat na puntos ni Robert Bolick sa pagsisimula ng ikaapat na yugto para mailapit ang iskor sa 69-53.

 

Ngunit walang nagawa ang Gilas nang dominahin ng mga bisita ang loob at gumawa ng mga puntos para tuluyan nang mailayo ang laban.

 

Binanderahan ni Thirdy Ravena ang Gilas sa kanyang 23 puntos at nag-ambag naman si Dwight Ramos ng 18 puntos kabilang ang isang ‘buzzer beater’ sa pagtatapos ng ikatlong yugto.

 

May 3-1 record ang Gilas matapos talunin ang India noong Biyernes at ang dalawa pang panalo ay bunga nang hindi paglalaro ng South Korea na dapat ay dalawang beses nilang kahaharapin.

Read more...