Game fowl industry sa bansa buhay kahit may pandemya – Sen. Cynthia Villar

By Jan Escosio February 27, 2022 - 08:52 PM

Pinapurihan ni Senator Cynthia Villar ang nag-organisa ng 8th International Game Fowl Festival sa pagsusumikap na mabuhay ang industriya sa gitna ng pandemya.

 

“This opening of the game fowl industry doors this year hopes to bring together leading game fowl breeders, pigeon raisers, exotic animal hobbyists, veterinary and nutrition suppliers, game fowl suppliers, pigeon suppliers, pigeon fanciers, incubators, feed manufacturers, and related products and services catering to game fowl, pigeon raising and exotic animals,” sabi ni Villar sa kanyang mensahe na binasa ng kanyang anak na si Deputy Speaker Camille Villar.

 

Pinansin din nito ang pagkakadagdag sa reptile expo na tinampukan ng mga exotic animals.

 

Dagdag pa ng namumuno sa Sene Agriculture Committee hindi makakaila na labis na naapektuhan ang industriya ng krisis pangkalusugan bunga ng mga ipinairal na community quarantines.

 

“The sales of “ready-to-fight” game fowls in 2020, which dropped due to limited movements and restrictions brought by the community quarantines, was huge amounting to billions of pesos. This included  a sales drop of 50 percent to the P30-billion feeds industry and a loss of around P15 billion to the veterinary products sector,” ang pagbabahagi din ng senadora.

 

Umaasa din si Villar na sa pagluluwag ay magbubukas na muli ang mga sabungan para sa kabuhayan ng mga nasa industriya at makatulong ito sa pagsigla ng ekonomiya ng bansa.

 

Nabanggit din nito ang ilang inobasyon sa industriya tulad ng kinagigiliwan ngayon na e-sabong.

 

Hamon lang nito ay ayusin pa ang e-sabong dahil sa kasalukuyang kontrobersiya na iniimbestigahan na ngayon sa Senado.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.