Paglalagay ng abo sa noo sa mga mananampalataya sa Ash Wednesday, ibabalik na ng Simbahang Katolika
Itutuloy na ng Simbahang Katolika ang paglalagay ng abo sa noo ng mga mananampalataya sa Ash Wednesday sa Marso 2.
Ito ay matapos ang dalawang taon na pagkatigil ng paglalagay ng abo dahil sa pandemya sa COVID-19.
Ayon sa Catholic Bishops Conference of the Philippines, ang Ash Wednesday ay hudyat ng pagsisimula ng Lent o Kwaresma.
Taong 2020 at 2021, binago ng Simbahang Katolika ang paglalagay ng abo sa noo ng mga mananampalataya.
Sa halip na ipahid sa noo, isinaboy na lamang ang abo sa mga mananampalataya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.