Duterte nagkasakit pagkatapos ng eleksyon

duterte
Inquirer file photo

Inamin ni presumptive President Rodrigo Duterte na nagkaroon siya ng lagnat makaraan ang eleksyon noong nakalipas na linggo.

Sa kanyang paliwanag, sinabi ni Duterte sa kanyang kauna-unahang public appearance makalipas ang halalan na napagod siya sa 90-day campaign period.

Ayon sa alkalde ng Davao City, “You are not talking to a young man. Yung immune system ko talagang bumaba. I was carrying the bacteria ng bronchial, nasuspek tuloy ako ng pneumonia.”

Pero sa kasalukuyan ay nasa maayos na lagay na raw ang kanyang kalusugan habang hinihintay ang pagsisimula ng kanyang termino bilang Pangulo ng bansa.

Binanggit din ni Duterte na abala ang kanyang grupo sa pag-pili ng mga susunod na pinuno ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.

Read more...