Public transport, consumers hiniling ng PASAHERO Partylist na malibre sa excise tax sa mga produktong petrolyo

Malaking tulong sa mga nasa pampublikong transportasyon at kabahayan ang  ginhawang idudulot  ng walang excise tax ang nakokonsumo nilang mga produktong-petrolyo.

 

Ito ang posisyon ng PASAHERO Partylist kayat hinimok nila na suspindihin ang excise tax sa krudo, kerosene at liquified petroleum gas na inilalako sa mga pampublikong sasakyan, gayundin sa mga kabahayan.

 

Katuwiran ni Allan Yap, ang nagtatag ng PASAHERO Partylist, sa ganitong paraan ay maiibsan ang tinatawag na ‘domino effect’ sa mga bilihinat serbisyo ng mataas na halaga ng mga produktong-petrolyo.

 

“The relief to consumers can easily ve effected through a suspension of tax on oil products since transport, housing, water, electricity and gas account for a big portion of consumer spending,” sabi pa ni Yap.

 

Paliwanag nito, sa budget ng ordinaryong Filipino, 7.81 porsiyento ang napupunta sa pasahe sa mga pampublikong sasakyan at 22.47 porsiyento naman ang kanilang nagagasta sa bahay, tubig, kuryente at gas.

 

Muli lang din ipinanawagan ng PASAHERO ang pagsuspindi sa 12% value added tax (VAT) sa mga produktong petrolyo, partikular na ang mga ginagamit ng mga pampublikong sasakyan.

 

“Malaking tulong na rin sa mamamayan kung masususpindi ang fuel excise tax dahil may epekto ito sa presyo ng mga pangunahing bilihin, lalo na sa pagkain,” sabi pa ni Yap.

 

Inulit lang din niya na kasama sa adbokasiya ng kanilang grupo ang pangalagaan ang kapakanan ng mga konsyumer, bukod sa mga nasa nabubuhay  sa public transport sector, mga pasahero at riders.

Read more...