1,223 na bagong kaso ng COVID-19 naitala sa bansa

By Chona Yu February 26, 2022 - 04:39 PM

Las Piñas PIO photo

Aabot sa 1,223 na bagong kaso ng COVID-19 ang naitala sa bansa ngayong araw, Pebrero 27.

Ayon sa Department of Health, nasa 3,660,020 na ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng sakit sa bansa.

Sa ngayon, nasa 53,934 ang aktibong kaso.

Sa naturang bilang, 595 ang asymptomatic, 48,842 ang mild, 2,780 ang moderate, 1,417 ang severe at 298 ang nasa kritikal na kalagayan.

Nasa 128 naman ang nadagdag sa bilang ng mga nasawi. Sa kabuuan, nasa 56,351 ang bilang ng mga nasawi.

Nabatid na ang National Capital region ang may pinakamataas na kaso na nasa 271 0 23 percent habang sumusunod naman ang Region 6 ay mayroong 159 na kaso o 13 percent at Region 4-A na may 152 na kaso o 13 percent.

 

TAGS: COVID-19, department of health, news, Radyo Inquirer, COVID-19, department of health, news, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.