B2B sa QC, umarangkada na

By Chona Yu February 26, 2022 - 04:31 PM
Daan-daang supporters nina Quezon City Mayor Joy Belmonte at frontrunner presidential candidate Bongbong Marcos ang naglunsad ng “B2B” na naglalayong isulong ang kandidatura ng dalawang personalidad para sa kaayusan at kaunlaran ng  bansa. Sa pamumuno ni Brgy. Laging Handa Chairman Mari Rodriquez, nagsanib-puwersa ang dalawang kampo ng Solid BBM at Solid Joy Belmonte para mas lalo pang palakasin ang kombinasyon ng dalawang prominenteng lider. Ayon kay Chairman Rodriguez, ang mga nagawa ni Belmonte para sa Quezon City ay mas lalong masusuportahan ng national government sa ilalim ng BBM presidency. Sa ngayon, si Belmonte ay nangunguna rin sa lahat ng pre-election survey laban sa katunggali nitong si Anak Kalusugan partylist Rep. Mike Defensor sa iskor na 63% ang incumbent mayor samantalang 25%. Kabilang sa Solid B2B group ay ang mga kasalukuyang barangay officials ng lungsos, mga dating opisyal, mga fire volunteers, mga Today members at iba’t ibang people’s organization. Tiniyak ni Rodriques ang paglulunsad ng iba pang pagkilos sa mga darating na araw upang lalo pang palakasin ang B2B na pormal inilunsad sa Quezon City Memorial. Circle.

TAGS: B2B, Brgy. Laging Handa Chairman Mari Rodriquez, news, Quezon City Mayor Joy Belmonte, Radyo Inquirer, Solid BBM, Solid Joy Belmonte, B2B, Brgy. Laging Handa Chairman Mari Rodriquez, news, Quezon City Mayor Joy Belmonte, Radyo Inquirer, Solid BBM, Solid Joy Belmonte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.