Nagdesisyon na si presumptive President Rodrigo Duterte na ibenta ang Presidential Yatch na BRP Ang Pangulo.
“Totoo yung sinabi ko na kesa maging simbolo lang ng luxury dapat ay magamit ng mga pulis ang sundalo ang pagbebentahan ng (BRP) Ang Pangulo”, paliwanag ni Duterte.
Ang pagbebentahan ng nasabing Yate ay ipambibili ng mga makabagong health equipments para sa mga alagad ng batas at militar.
Sa kanyang ipinatawag na press conference, ipagbabawal na rin ng incoming president ang “Lakbay-Aral” sa lahat ng mga tanggapan ng pamahalaan.
Imbes na gastusin sa mga walang kuwentang mga bagay, sinabi ni Duterte na magiging maayos ang pag-gamit ng pera ng bayan sa ilalim ng kanyang administrasyon.
Inihayag din ni Duterte na ipagbabawal niya ang mga high-powered firearms sa mga sibilyan sa pag-upo niya ng sa tungkulin bilang Commander-in-Chief.
“Hindi na pwede ang armory sa civilian, lilimitahan natin yan sa simpleng short firearm, .22 caliber rifle at shotgun hanggang dun lang”, pahayag ni Duterte.
Muli ring iginiit ni Duterte na kakausapin niya ang Kongreso para ibalik ang death penalty sa bansa lalo na sa mga krimen na may kinalaman sa mga heinous crimes.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.