Nanguna si presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at kanyang running mate na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa National Election Tracker Survey ng Publicus Asia na isinagawa noong Pebrero 11 hanggang 16 at nilahukan ng 1,500 respondents.
52 percent ng respondents ang pumili kay Marcos bilang kanilang presidente, mataas ng 30 percentage points kumpara sa pumangalawa na si Vice President Leni Robredo.
Kumpara sa suvey ng Publicus noong December 2021, walang nabago sa voter preference para kay Marcos habang umangat ng 2 percent si Robredo.
Nakakuha naman ng 9 percent si Manila Mayor Isko Moreno, sumunod sina Senators Ping Lacson at Manny Pacquiao na may tig-3 percent at Ka Leody de Guzman na may 1 percent.
Siyam na porsyento naman ng mga respondent ang undecided.
Sa vice-presidential survey, nanguna si Duterte-Carpio sa pamamagitan ng 54 percent, mataas ng 40 percentage points kumpara sa nakuha ni Senador Kiko Pangilinan.
Pumangatlo si Dr. Willie Ong na may 13 percent, sumonod sina Senate President Tito Sotto, 9 percent, at Buhay party-list Rep. Lito Atienza na may 1 percent.
Siyam na porsyento rin ng respondents ang undecided sa kanilang vice-presidential candidate
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.