“Wala akong ginawang kalokohan.”
Pahayag ito ni Pangulong Rodrigo Duterte ilang buwan bago matapos ang kanyang termino sa Hunyo.
Sa panayam ni Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar, sinabi nito ginawa niya ang trabaho niya.
Nagpapasalamat ang Pangulo sa taong bayan sa patuloy na pagsuporta sa kanyang administrasyon.
Nakagugulat ayon sa Pangulo na hanggang sa ngayon, patuloy siyang pinagkakatiwalaan ng taong bayan.
Naging kontrobersiyal ang pamumuno ni Pangulong Duterte dahil sa maduging anti-drug war campaign.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.