Legarda, inendorso ni Pangulong Duterte sa pagtakbo bilang senador

Photo credit: Rep. Loren Legarda/Facebook

Inendorso ni Pangulong Rodrigo Duterte si House Deputy Speaker at Antique Rep. Loren Legarda sa kaniyang kandidatura sa pagka-senador sa nalalapit na 2022 National and Local Elections.

Sa inilabas na video message, sinabi ng Pangulo na marami nang nagawa ni Legarda bilang broadcaster, dating senador at congresswoman.

“Even before she entered politics, former Senator Legarda has shown great involvement in public service,” ayon sa pangulo.

Dagdag nito, “I believe Loren deserves to be back in Senate.”

Narito ang buong video message ng pangulo:

Nagpasalamat naman si Legarda sa ibinigay na basbas ni Pangulong Duterte dahil sa tiwala at pagpapahalaga sa kanyang serbisyo publiko.

Hangad ng three term senator ang mabuting kalusugan at tagumpay ng pangulo sa pagtatapos ng kanyang termino.

Read more...