Pagtawag bilang presumptive President “corny” ayon kay Duterte

duterte4
Inquirer file photo

Imbes na magpatawag na presumptive President, nakiusap si Davao City Mayor Rodrigo Duterte na tawagin na lamang siyang “Mayor” habang hindi pa naman siya umuupo sa Malakanyang.

Sa kanyang ipinatawag na press conference sa Davao City, sinabi ni Duterte na walang magbabago sa kanyang pakikisama sa publiko bilang isa sa mga trabahador sa pamahalaan.

Nakiusap din siya sa kanyang mga tagasuporta na huwag siyang masyadong itaas bilang lider ng bansa.

Imbes na purihin o mag-bow sa kanya, sinabi ni Duterte na dapat siyang itrato bilang isang ordinaryong Pinoy lamang.

Sinabi rin ni Duterte na “corny” ang dating sa kanya ng iba’t ibang mga papuri.

“Hindi naman tayo kasama sa anumang uri ng royalty kaya kung pwede lang maging simple na lang tayo”, dagdag pa ni Duterte.

Read more...