DFA, may ginagawang repatriation sa mga Filipino sa Ukraine
May ginagawa nang repatriation ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga Filipino na naipit sa gulo sa Ukraine.
Ayon kay Presidential Spokesman Karlo Nograles, inatasan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang DFA na pauuwiin na sa bansa ang mga Filipino sa Ukraine para masiguro ang kaligtasan.
“The Philippine government, through the Department of Foreign Affairs, is now conducting repatriation efforts of Filipinos living in Ukraine,” pahayag ni Nograles.
Sinabi pa ni Nograles na pangunahing isinasaalang-alang ng Pangulo ang mga Filipino sa Ukraine.
“The safety of Filipinos in Ukraine remains foremost in the mind of President Rodrigo Roa Duterte,” pahayag ni Nograles.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.