Handa na ang Metro Manila na isailalim sa Alert Level 1.
Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na bumaba na kasi ang kaso ng COVID-19 sa kalakhang Maynila.
Paliwanag ni Duque, bumaba na sa negative ang two-week growth rate sa Metro Manila habang ang daily attack rate naman ay nasa moderate risk na at ang kumbinasyon ng dalawang nabanggit ay babagsak sa low risk classification.
Pasok din aniya sa parameters ang lagay ng hospital utilization rate ay below 30 porsyento na at nasa low risk na rin.
Gayunman, may dagdag sa parameters at ito ay ang matiyak na 80 porsyento ng mga senior ay bakunado.
Hintayin na lang, sabi ni Duque, ang pinakahuling datos ukol dito at makakapagpasiya nang malinaw kung pwede ng ipatupad ang Alert Level 1 sa Kalakhang Maynila at iba pang component cities.
Base sa datos na inilahad ni Duque, ang mga bakunado ng mga nasa A2 sa Metro Manila ay pumapalo na sa 1,222,154 na kung saan, ang fully vaccinated ay nasa 1.025 milyon na.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.