Ayon kay Duterte, ipatutupad niya sa buong bansa ang 10 p.m. curfew para sa mga “unescorted minors”.
Ang magulang aniya ang aarestuhin dahil sa pag-abandona sa kanilang anak.
Paliwanag ng alkalde, matapos maisailalim sa kostodiya ng concerned agencies ang bata, ay iuutos niyang dakpin ang magulang.
Noong nakaraang taon, dalawang ina sa Davao City ang naaresto dahil sa paglabag sa Republic Act 7610, o an act providing for stronger deterrence and special protection against child abuse.
Ito ay matapos matagpuan ang kanilang anak na natutulog sa lansangan.
READ NEXT
Kapangyarihan ng LGU, mas lalakas sa ilalim ng pederalismo ayon kay dating Senador Nene Pimentel
MOST READ
LATEST STORIES