VP Leni Robredo puwede sa gabinete ng administrasyong-Domagoso

Sakaling siya ang susunod na pangulo ng bansa, handang tanggapin ni Aksyon Demokratiko presidential aspirant Isko Moreno Domagoso si Vice President Leni Robredo sa kanyang gabinete.

Ito naman, paglilinaw ni Domagoso, kung tatanggapin ni Robredo ang iaalok sa kanyang posisyon.

Hindi pa tinukoy ng alkalde ng Maynila ang posisyon na nararapat kay Robredo.

Depende ito aniya sa kahusayan ng pangalawang-pangulo.

Bago ito, sinabi ni Domagoso na iaalok niya kay Panfilo Lacson ang pagiging ‘anti-corruption czar’ sa kanyang administrasyon.

Read more...