Sen. Tito Sotto: EDSA People Power ang liwanag sa madilim na kabanata ng bansa

Hinikayat ni vice presidential candidate Vicente Sotto III ang sambayanan na protektahan at panatilihin ang naibunga ng 1986 EDSA People Power Revolution.

Sa kanyang mensahe sa paggunita ng ika-36 anibersaryo ng People Power, sinabi ni Sotto na ang pangyayari ang maituturing na pinakamalaking tagumpay sa madilim na kabanata ng kasaysayan ng bansa.

 

“Protect the flames of EDSA. As a people who lived through this history, it is our duty to the fallen – the victims of human rights violations under martial law,” sabi ng pangulo ng Senado.

 

Aniya ang rebolusyon na pinamunuan ng mamamayan ay nagsisilbing paalala kung paano nanindigan ang mga Filipino laban sa mga pang-aabuso sa pagpapatupad ng batas-militar.

 

Dapat aniya protektahan ng lahat ang kasaysayan laban sa mga nagpapakalat ng kasinungalingan ukol sa madilim na nakalipas.

 

“History is history. It has happened already. How can we forget? We must not let anyone revise the truth, especially the truth about EDSA. t is the flame that fires the embers of nationalism among Filipinos. It is our symbol of courage and unity, a light of truth that gives us our sense of freedom,” sabi pa nito.

Read more...