Pagpapalakas sa healthcare system sa bansa tuloy-tuloy – Sen. Bong Go

By Jan Escosio February 24, 2022 - 11:19 AM

Hindi matatawaran, ayon kay Senator Christopher Go, ang pagnanais ni Pangulong Duterte na mapalakas pa ang sistemang pangkalusugan sa bansa.

 

Dapat aniya ay pagtuunan ng sapat na pansin ang pamumuhunang sa healthcare system at aniya nasimulan at patuloy na tinatahak ng administrasyong-Duterte ang paghahanda para sa anumang mangyayaring krisis pangkalusugan.

 

“Dapat patuloy nating palakasin ang ating healthcare capacity, magdagdag ng mga kama, magtatag ng mga dagdag na ospital at palakasin ang serbisyo na maaaring maibigay ng ating mga pampublikong ospital. Dahil sa totoo lang po, ang mga mahihirap nating mga kababayan ang pumupunta sa mga pampublikong ospital. Para po ito sa kanila. Basta kapakanan ng mahihirap, ipaglalaban po namin kayo,” dagdag pa ng namumuno sa Senate Committee om Health.

 

Nasaksihan ng senador ang pagbibigay ng Office of the President ng P65 milyon sa Philippine Orthopedic Center para sa pagbili ng mga makabagong kagamitan.

 

“Importante na ating binibigyang halaga ang mga hakbang tulad nito para sa ikabubuti ng mamamayang Pilipino lalo na sa sektor ng kalusugan dahil sa ganitong paraan ay nahihikayat natin ang isa’t isa na ipagpatuloy ang suporta sa mga ganitong klaseng inisyatibo para sa ikauunlad ng healthcare system ng bansa,” sabi pa nito.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.